Umabot sa P27-milion halaga ng iligal na droga ang nasabat ng National Capital Region Police Office sa loob ng isang-araw sa magkakahiwalay na operasyon.
Unang naaresto sa isang buysbust operasyon sa Caloocan ang suspek na si Janesa Cabardo Canoy kung saan narekober dito ang nasa P13.6 million na nakalagay sa loob ng Chinese tea bag.

Sumunod naman naaresto sa Makati si Aldren Mariscal, 21-anyos, at nakuha sa pangangalaga ng suspek ang nasa P13.6 million halaga ng shabu.
Sa Parañaque, nasakote ng mga otoridad ang mga hinihinalang tulak na kinilalang sina Kennedy Balan, 25-anyos, at Maynard Delos Santos alias Kuyang, 28, sa isang buy-bust operation in Barangay Tambo kung saan nakuha ang 50 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P340,000.
Inihahanda na ng NCRPO ang kaukulang kaso laban sa mga nahuling suspek.