COVID-19 reproduction number sa NCR bumaba pa sa 0.63

Patuloy ang pag-ganda ng COVID-19 situation sa Metro Manila ngayong linggo.

Patunay umano dito ang pagbaba sa 0.63 ang COVID-19 reproduction number o bilis ng hawaan sa NCR na unang naitala sa 1.20.

Sa kabila nito nilinaw ni OCTA Research fellow Guido David na nasa high risk pa rin ang ilang lugar sa Metro Manila maliban sa Caloocan, Navotas, Malabon, Valenzuela at Maynila na maituturing nang nasa moderate risk.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Una nang sinabi ng OCTA na batay sa kanilang projection posibleng umabot sa 500 cases per day na lamang ang maitatala sa NCR pagdating Pebrero 14.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Nabatid na umabot sa 18,000 kaso ng COVID-19 ang pinakamataas na naitala sa Metro Manila sa kasagsagan ng peak nito noong unang linggo ng Enero bunsod ng Omicron variant.