PNP chief tiniyak na masisibak sa serbisyo ang 8 pulis na dawit sa robbery extortion sa Pampanga

Tiniyak ni Philippine National Police chief Gen. Dionardo Carlos na matatanggal sa serbisyo ang walong pulis na naaresto kahapon matapos masangkot sa robbery extortion sa Angeles City, Pampanga.

Ayon kay Carlos hindi nila papayagan na ang ganitong gawain ng mga tiwali sa PNP ang sisira sa mayoryang naglilingkod ng tapat sa kanilang organisasyon.

Read More:  Batangas solons condemn Leviste remarks against Recto couple

Sa report na nakarating sa Camp Krame, rumesponde umano ang CID-RFU sa sumbong na may armadong kalalakihan ang nanloob sa isang bahay sa Brgy. Balibago.

Dito naabutan at naaresto ang walong pulis na kinilalang sina Maj. Ferdinand Mendoza, Staff Sergeants Mark Anthony Reyes Iral and Sanny Ric Alicante; Corporals Richmond Francia, John Gervic Fajardo,at Kenneth Rheiner Ferrer Delfin; at Patrolmen Leonardo Veloso Mangales at Hermogines Rosario Jr., lahat naka-assign CIDG’s Anti-Organized Crime Unit (AOCU).

Read More:  VP Sara: government should prioritize needs of ordinary Filipinos amid political noise

Nakuha mula sa saksakyan ng mga suspek ang iba’t-ibang pag-aari ng mga Chinese National, cash na P300,000 at ilang US dollar bills.

Hindi naman kinagat ni CIDG director Maj. Gen. Albert Ignatius Ferro ang alibay ng mga suspek na umanoy nagsagawa lamang sila ng lehitimong buy-bust operation ng mga armas sa naturang lugar.