P200M halaga ng tanim na Marijuana, winasak sa Kalinga

Winasak ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group ang aabot sa halos P200 milyong psiong halaga ng Marijuana sa Kalinga.

Ayon sa PDEG, ang mga marijuana ay nasabat sa 4 na magkakahiwalay na operasyon.

Sa ilalim ng COPLAN “Highlander”, nasabat sa Brgy. Buscalan, Tinglayan ang nasa P80 million na halaga ng fully grown Marijuana at mga pinatuyong dahon nito.

Maliban dito, nakasabat din sila ng mga Marijuana sa Brgy. Loccong, Tinglayan kung saan P51 Million ang tinatayang halaga.

Sa hiwalay na taniman sa Brgy. Loccong pa rin, P12.5 Million naman ng halaga ng Marijuna ang nasabat ng mga pulis.

Habang sa isa pang taniman sa Brgy. Buscalan ang nakuhanan ng P45 million ng halaga ng Marijuana.

Pinagbubunot ang naturang mga halaman at saka sinunog.

Wala namang naaresto na mga suspek sa mga taniman na nadiskubre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *