17-ektaryang lupain, nasunog

Isang grassfire ang sumiklab kagabi sa bahagi ng Barangay Cabaruan, Naguilian, Isabela na tumupok sa tinatayang 17 ektaryang lupain.

Sa inisyal na impormasyong nakalap ng Brigada News Team, halos apat na oras ang ginugol upang maapula ang sunog, mula alas-11 ng gabi hanggang sa alas-tres ng madaling araw.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *