MWSS – maglalabas ng ‘warning notices’ sa malalakas mag-aksaya ng tubig

Posibleng makatanggap ng notice ang mga konsyumer na malakas kumonsumo ng tubig sa Metro Manila at sa iba pang kalapit nitong probinsya.

Ayon kay Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Department Manager Patrick Dizon, iimbestigahan nila ang biglaang pag-spike ng mga residentila bills.

Aniya, kung mapatutunayang wala namang leak sa mga kabahayan, bibigyan nila ito ng warning.

Samantalam tiniyak ni Dizon na sa gitna ng mahinang pressure ng tubig ay hindi naman daw tukuyang mawawalan ng tubig.

Sinabi ng opisyal na ang pagsasagawa ng pressure manangement strategies at hindi mauuwi sa kawalan ng tubig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *