Ipinamahagi ng Department of Agriculture Regional Field Office 2 at Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) ang 199.5 million pesos ng makinarya sa mga magsasaka sa probinsya ng Cagayan.
Tinanggap ng nasa 112 Farmer Cooperatives and Association (FCAs) ang naturang mga makinarya kasama ang kanilang Municipal Agriculturist at LGU officials.
Ito ay bahagi pa rin Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) program ng gobyerno sa ilalim ng Rice Tarrification Law.
Ayon kay DA Region 2 Regional Director Narciso Edillo, layunin nitong mabawasan ang production cost sa mga magsasaka sa kanilang paghahanda ng sakahan at sa panahon ng anihan.
Tinitiyak ng RCEF Mechanization program na ang mga kagamitang pangsakahan ay abot kaya, adaptable sa lokal na kondisyon at makakatulong sa mga magsasaka.
Ilan lamang sa mga naipamahagi ng ahensya na mga makinarya ay tractor, combine harvester, seeders, multi stage rice mills at dryers.
Photo/DA Cag.Val