Jeep nahulog sa bangin sa San Mariano, Isabela; 1 patay, 12 iba pa nakaligtas

Nasawi ang isang 24-anyos na lalaki matapos madaganan ng sinasakyang jeep na nahulog sa bangin bandang alas-7 noong gabi ng November 4, 2021 sa San Jose, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si Bernard Macabiog, 24-anyos, walang asawa at residente ng San Jose, San Mariano, Isabela habang kinilala ang nagmaneho ng jeep ay si Chito Baligod, 40- anyos at residente ng Casala sa naturang bayan pa rin.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PSsgt. Jack Tristan Viernes, imbestigador ng PNP San Mariano, ang naturang jeep ay galing sa Brgy. Sta. Felomena at papauwi na sa kanilabg lugar matapos magpabakuna ang mga sakay nito.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay mayroon umanong nakasalubong na motorsiklo ang jeep na sobrang maliwanag ang ilaw nito na dahilan upang masilaw si Baligod kaya itinigil ang jeep sa gilid ng daan.

Ngunit ayon kay Ssgt. Viernes malambot ang lupa kung saan nito iginilid ang jeep kaya nahulog ang sasakyan sa tinatayang 15 metro na lalim ng bangin.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Dahil sa insidente ay sinubukan umanong tumalon ng pasahero nitong si Macabiog subalit nadaganan ng bumaliktad na jeep.

Nagtamo ang biktima ng malubhang sugat sa katawan na isinugod pa sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival.

Mapalad namang nakaligtas ang 12 iba pang sakay ng nahulog na jeep.

Sinabi pa ni PSsgt. Viernes na hindi na nakilala ang tsuper ng nakasalubong na motorsiklo dahil nagpatuloy lamang ito sa pagmamaneho at hindi na tumigil.