25 na mga indibidwal kabilang na ang 13 former NPA supporters, nagtapos sa kanilang TESDA training

Nagtapos na sa kanilang isinagawang Organic Agriculture Production Training ang 25 na TESDA scholar sa Luna, Quirino, Isabela.

Kabilang sa mga sumailalim sa naturang training ang 13 sumukong CTG supporters, 2 illegal drugs reformists, at 10 myembro ng National Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups at Force Multipliers.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Kasabay ng kanilang pagtatapos ay ipinagkaloob sa mga ito ang certificates at tokens.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan naman ni PMaj. Amy Dela Cruz, Asst. Chief PCADU, at Quirino Police Station sa pamumuno ng kanilang hepe na si PCpt. Jonathan Ramos at sa pakikipagtulungan ng TESDA Isabela maging ng LGU officials.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Samantala, nagpaabot naman ng pagbati si PColl. James Cipriano, Provincial Director ng Isabela PPO sa mga nagtapos at pinasalamatan din ang TESDA kasama na ang kapulisan ng Quirino, Isabela sa pagsuporta sa EO 70 (NTF-ELCAC) sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga ganitong pagsasanay.

Photo/Isabela PPO