Pormal nang inihain sa Senado ni returning Senator Alan Peter Cayetano ang panukalang Sampung Libong Pag-Asa Law, o ang panukala na naglalayung magbigay ng P10,000 one-time cash aid, para sa bawat pamilyang Pilipino, at para matupad ang kanyang campaign promise.
Una nito, nangako si Cayetano na agad ihahain ang “P10K Ayuda” Bill, pero ipinaliwanag na ang panukala ay kailangan ng aksyon mula sa Senado, House of Representatives, at ng Malacañang.

Maliban dito, inihain rin ng senador ang panukala laban sa online gambling.
Kaugnay nito, inihain rin ni Cayetano ang National values, Etiquette, at Moral Uprightness Act, bilang kanyang unang Senate bill sa 19th Congress.
Samantala, maliban sa top three measures, ipinanukala rin ng mambabatas ang 17 pang bills. //MHEL PACIA