Marcos, tinanggap na ang imbitasyon ng Chinese gov’t na bumisita sa China

Tinanggap na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang imbitasyon ng Chinese government na bumisita sa China.

Pagkumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, may imbitasyon ang naturang bansa para sa pangulo, pero wala pa umanong petsa.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Una nito, nagpulong sina Marcos at Chinese Foreign Minister Wang Yi, nang bumisita ang huli sa Pilipinas.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Ayon kay Cruz-Angeles, nagkasundo sina Marcos at Wang na dadalhin ang bilateral ties sa mas mataas na level. //MHEL PACIA