P1-bilyong na ginastos sa meetings at activites ng NTF-ELCAC, inalmahan

Ikinagulat ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang ulat na nagastos ang mahigit P1-bilyong na pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa mga meetings at convergence lamang.

Ipinaliwanag naman ni Senate finance committee chair Sonny Angara na inilaan ng NTF-ELCAC ang malaking bahagi ng pondo, o 70% nito na aabot sa P766-million, sa 13-milyong aktibidad ng PNP.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Base sa datos na ibinigay ng PNP kay Angara, ay nagkaroon ang pulisya ng 12 clusters ng iba’t-ibang mga aktibidad gaya ng counter mobilization activities, focused law enforcement operations, at iba pa.

Read More:  NBI Chief Matibag says arrest of Sen. Bato Dela Rosa could be near

Ipinunto naman ni Drilon na ito ang unang beses na nakarinig siya na may ahensya na nakagawa ng milyon-milyong aktibidad sa loob ng kaniyang 20-taon sa Senado.