BICOL—Pumalo na sa 37,520 (81.62%) ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa Bicol region matapos magtala ng record high 719 na mga bagong gumaling sa isang araw.
399 nito ay mula sa Naga City, 240 sa Albay, 44 sa Camarines Norte, 26 sa Catanduanes at sampo sa Sorsogon.
Samantala, mas bumaba pa ang bilang ng aktibong kaso na ngayon ay nasa 6,854 (14.91%) na lamang sa kabuuang 45,967 na cumulative cases.
103 ang mga bagong kasong nadagdag kahapon kung saan 34 nito ay mula sa Catanduanes kung saan pito ang mula sa bayan ng Bato, tig-anim ang Caramoran at Virac, lima sa Gigmoto, tigtatlo ang Panganiban at San Andres at tigdalawa ang Baras at Viga.
31 ang naitala sa Camarines Sur kung saan walo nito ay mula sa Naga City, lima sa Nabua, tig-apat ang Iriga City at Gainza, tigtatlo ang Bombon at Garchitorena, dalawa sa Sipocot at tig-isa ang Milaor at Pili.
30 ang bagong kaso sa Albay kung saan 11 ang mula sa Legazpi City, pito sa Daraga, lima sa Bacacay, tatlo sa Camalig, dalawa sa Guinobatan at tig-isa ang Malilipot at Rapu-Rapu.
Pito ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan apat angt mula sa bayan ng Irosin at tig-iisa ang Bulan, Castilla at Sorsogon City.
Isang kaso naman ang naitala sa Camarines Norte na mula sa bayan ng Labo habang zero new case ang islang lalawigan ng Masbate.
Samantala, pumalo na sa 1,593 (3.47%) ang death toll matapos magtala ng 28 na mga bagong nasawi kung saan 19 nito ay mula sa Albay, anim sa Catanduanes, dalawa sa Sorsogon at isa sa Camarines Norte.
Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### | slm