P1.9M na halaga ng marijuana bricks , nasabat ng PNP sa Kalinga

Nasabat ng PNP ang aabot sa P1.9 milyon na halaga ng marijuana bricks sa isang check point sa Sitio Dinakan, Barangay Dangoy, Lubuangan, Kalinga.

Sa ulat ng Kalinga PNP, namonitor ng mga operatiba ng pulisya ang pagluluwas ng isang hindi na pinangalanang lalaki ng mga marijuana bricks na galing sa Buscalan kung saan ay sumakay pa umano ito sa pampasaherong jeep patungong Tabuk City.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Mabilis naman na naglatag ng anti-criminality checkpoint ang pulisya na nagresulta sa pagkakaharang sa jeep na sinakayan nito na may dalang dalawnag bag.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Nang buksan ng mga otoridad ang naturang bag ay tumambad sa mga ito ang 16 na piraso ng mga marijuana bricks na may bigat na humugit kumulang 16 kilos.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang naarestong suspek.