Work adjustment sa mga field worker sa Naga City Hall, ipinatupad na

NAGA CITY – Ipinatupad na rin ang work adjustment para sa mga field worker ngayong matindi pa ang init ng Lokal na Pamahalaan ng Naga.

Ayon kay City Administrator, Elmer Baldemoro, iniiwasan o hindi pinapalabas ang mga empleyado sa gitna ng alas 10 ng umaga hanggang sa alas 3 ng hapon, na kinatirikan ng araw, katulad ng garbage collector, street sweepeer, at iba pa, maliban sa iniiiwas na magkasakit sinigurado namang maganda ang transaksyon o pagiging produktibo sa trabaho.  

Maging ang paglalagay ng mga water station sa mga opisina ginawa na rin bilang interbensyon sa mainit na panahon, lalo na nagiging kalaban na ang init ng mga empleyado na nagdudulot ng heat stress, pagkakasakit at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *