Bacoor LGU – magpapatupad ng 4-day compressed workweek simula Lunes

Magpapatupad ang Bacoor LGU ng apat na araw na compressed workweek sa piling mga departamento ng pamahalaang lungsod sa susunod na apat na buwan.

Sa Facebook announcement, ang paglilipat ng schedule ay isang hakbang para mabawasan ang pagkonsumo ng kuryente at tubig sa lungsod sa kasagsagan ng panagon ng tag-init.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Simula Lunes, April 22 hanggang August 31 ng kasalukuyang taon, mag-uumpisa na ang pasok ng alas-otso ng umaga hanggang alas-siyete ng gabi.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Samantala, hindi kasali rito ang mga tanggapan na nagbibigay ng ‘essential services’ tulad ng Bacoor Traffic Management Department, Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office, Office of the City Health Services, at maging ang City Social Welfare and Development Office.