Siniguro ng Overseas Workers Welfare Adminsitration (OWWA) ang sapat na suporta para sa pamilya ng mga Pilipinong nasugatan, at namatay sa United Arab Emirates (UAE).
Sa pulong balitaan – sinabi ni OWWA Adminstrator Arnell Ignacio na nagbibigay na ng karampatang tulong ang kanilang regional offices para sa mga kaanak ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
Patuloy din umano ang kanilang coordination sa mga concerned agencies sa UAE
Ang OWWA Dubai naman ay patuloy din ang komunikasyon sa gobyerno ng UAE upang maproseso ang repatriation sa mga labi ng ating mga nasawing Kababayan sa lalong madaling panahon.
Sabi pa ni Ignacio – inatasan sila ni Pangulong Bongbong Marcos na aksyunan kaagad ang kanilang pangangailangan sa loob ng 48 oras.
Maaalalang tatlo ang kumpirmadong patay sa pagbaha; habang mayron ding dalawang nasugatan.