OWWA, nagbukas ng Help Desk para sa mga OFW sa Lebanon

Naglabas na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng Help Desk sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Lebanon.

Ito ay para sa mga dokumentado at hindi dokumentadong manggagawang Pilipino sa lugar.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Layon ng naturang Help Desk ay makapagbigay ito ng agarang tulong, lalo na sa mga nangangailangan ng repatriation para sa kanilang kaligtasan.

Maaaring tumawag ang mga Pilipino sa Lebanon sa mga hotline na naka-post sa opisyal na Facebook page ng OWWA o makipag-ugnayan sa Migrant Workers Office-Lebanon at Philippine Embassy sa Beirut.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Hinimok naman ng OWWA ang lahat ng Pilipino sa Lebanon na huwag mag-atubiling humingi ng tulong.