73 anyos na senior citizen, patay matapos salpukin ng motorsiklo

Binawian ng buhay isang 73-anyos na babae na tumatawid matapos siyang salpukin ng isang motorsiklo na minamaneho ng 18-anyos na rider sa Mangaldan, Pangasinan.

Ayon sa imbestigasyon, pauwi na ang biktima galing tindahan ng mangyari ang insidente.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang babae, at natumba rin ang rider.

Naisugod pa ang biktima sa ospital ngunit pumanaw din pagkaraan ng ilang oras dahil sa tindi ng pinsalang tinamo sa ulo at dibdib.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Sa kasalukuyan, nakipag-aregalo na umano ang rider sa pamilya ng biktima.