Hinihikayat ng Philippine Statistics Authority o PSA ang publiko na tapusin ang proseso para makakuha ng national ID.
Ito ay dahil mayroon umanong ilan na hindi na bumabalik para sa Step 2 Registration, ang proseso kung saan kailangan sumailalim sa biometrics ng indibidwal.
Ayon kay Philsys Focal Person Joey Amante, tuloy-tuloy naman ang registration na isinasagawa ng PSA at pumupunta na rin sa mga barangay ang kanilang team.
Payo nito sa publiko na alamin ang schedule ng pagpunta ng PSA sa kani-kanilang barangay.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
