OVP, rumesponde sa mahigit 2K pamilya sa Lucena City na biktima ng Bagyong #AghonPH

Nagpaabot ng tulong ang Office of the Vice President sa mga residenteng nasalanta ng matinding pagbaha sa Lucena City sa Quezon ngayong araw.

Sa pamamagitan ng OVP-Disaster Operations Center, inihatid ang relief bags sa dalawang libong naberipikang pamilya mula sa anim na barangay na pinakamatinding naapektuhan.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Rumesponde rin ang OVP Kalusugan Food Trucks upang mamahagi ng hot meals sa mahigit isandaang volunteers.

Naisakatuparan ang distribusyon ng relief bags sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Lucena sa pangunguna nina Mayor Mark Alcala at Vice Mayor Dondon Alcala.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Mababatid na nitong Lunes ay isinailalim sa state of calamity ang Lucena City dahil sa epekto ng pananalasa ng bagyong Aghon.

Labingsiyam na lokalidad sa Quezon Province ang nagdeklara ng state of calamity dulot ng hagupit ng bagyo.
#