Paghati sa mga bayan ng DOS at Sultan Kudarat magdedepende na umano sa COMELEC

MAGDEDEPENDE ngayon sa Commission on Elections o COMELEC ang magiging kapalaran ng paghahati sa mga bayan ng Datu Odin Sinsuat at Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.


Ito ang inihayag ni BTA Member at Bangsamoro Education Minister Mohagher Iqbal sa tanong kung kumusta na ang paghati sa nasabing mga bayan.


Sinabi ni Iqbal na kung hindi maglalabas ng kautusan ang COMELEC kaugnay sa gagawing plebesito sa nasabing mga lugar ngayong buwan ng Hunyo at Hulyo ay imposible nang matuloy pa ito bago ang eleksyon sa 2025.


Matatandaan na mula sa kasalukuyang Datu Odin Sinsuat ay mabubuo ang mga munisipyo ng Sheik Abas Hamza at Datu Balabaran Sinsuat habang sa Sultan Kudarat naman ay mabubuo ang Nuling municipality.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *