Nagpasalamat si Pangulong Bongbong Marcos sa naging kontribusyon sa Pilipinas ni outgoing European Union Ambassador to the Philippines Luc Serge Gustave Eugene Veron.
Sa naging farewell call kahapon ng ambassador, ginawaran sya ni Pangulong Bongbong Marcos ng Order of Sikatuna na may ranggong Datu.
Bilang pagkilala ito sa kontribusyon ni Veron sa pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas at EU.
Ayon sa Pangulo, naging instrumento si Veron sa pagtataguyod ng mga high-level exchanges gayundin sa pag facilitate ng mga cooperation agreement partikular sa development cooperation.
Ang mga naturang kasunduan ay sumusuporta sa mga priority areas ng bansa tulad ng climate change, green economy, energy, digital connectivity at maritime cooperation.
Ilan pa sa malaking kontribusyon ng outgoing Ambassador ay ang pagsusulong ng rule of law at rules-based international order, maging ang kontribusyon nito sa peace and development sa Mindanao at pag suporta sa peace process at transition ng BARMM.
Nagkaroon din sya ng mahalagang papel sa pagbibigay ng humanitarian assistance sa Pilipinas sa panahon ng pagtama ng natural calamity sa bansa at sa nagdaang COVID-19 pandemic.