Bagong silang na sanggol, inabandona sa isang tricycle sa Cavite

Maamong mukha, matangos na ilong, mamulamulang mga pisngi at mahahabang pilik-mata, yan ang katangian ng isang bagong silang na babaeng sangol na nakuha sa isang tricycle sa Barangay Tejeros Convention sa Rosario, Cavite.

Kwento ng tricycle driver na nakakuha sa bata, alas siete noong August 17, nang makita niya ang bagong silang na sanggol na umiiyak at puro dugo pa ang katawan.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Bago ito ay nakita raw ng driver ang isang babae pasado alas kwatro ng umaga na aligaga ito at paikot-ikot hanggang makita niya itong pumasok sa isang tricycle na may kurtina.

Makalipas ang ilang oras, laking gulat nito nang makita niya ang isang bata na umiiyak.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Agad namang nadala ang bata sa ospital at binigyan ng atensyong medikal para bumalik sa natural na sigla nito.

Nasa pangangalaga na ng DSWD ang sanggol habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para sa pagkakakilanlan ng babaeng nag-abandona sa sangol na maaaring managot sa batas.