Otoridad, bigo sa paghuli kay Pastor Quiboloy at iba pang akusado

Bigo sa paghuli ang mga otoridad kay Pastor Apollo Quiboloy at mga kasamahan nitong Lunes, Hunyo 10.

Madaling araw palang, nilusob na ng CIDG at PNP SAF ang Kingdom of Jesus Christ sa Davao City.

Nagkagulo pa matapos manlaban ang ilang supporters ng pastor, nakapasok nalang ang mga otoridad matapos kumalma ang mga tao.

Nilinaw naman ng PRO 11 na hindi raid at search warrant ang kanilang isinagawa bagkus warrant of arrest.

Kasabay ito ng pagpapatupad ng kaso ni Quiboloy na child abuse, sexual abuse at anti-Trafficking in person.

Kahit may konting kaguloha, mapayapa umanong naisagawa ang operasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *