Pinagtulungan ng 6 na kabataan ang isang lalaki hanggang sa manghina ito sa Colon Street, Davao City nitong Sabado.
Nagtamo ng sugat sa ulo ang biktima na si Alyas June, 24-anyos matapos habulin at hampasin ng bote.
Napag-alaman na sinuntok umano ni Alyas June ang isa sa anim na lalaki dahil sa pagkikipagsayaw nito sa kanyang live in partner.
Hindi naman inakala ng biktima na may kasama itong resbak.
Agad dinala sa hospital si Alyas June para sa agarang medikasyon.
Nadakip ang 6 na mga indibidwal ngunit niisa sa kanila ay walang umamin kung sino ang humampas.