Umani ng simpatya ang viral video ng isang bride mula Negros Oriental matapos madismaya sa simbahan kung saan ikinasal.
Makikita sa video na nagmamadali sa paglakad si Janine habang sinesermonan ng pari.
Ayon dito, bago pa ang kasal sinabihan na sila na mula alas-8 ng umaga, gagawing 9:30 ang kasal.
Ngunit pagdating sa simbahan, pinagalitan sila ng staff dahil late umanong dumating.
Matiwasay naman na natapos ang kasal ngunit bakas sa kanila ang hiya dahil sa ipinakitang ugali ng mga taga-simbahan.
Sa ngayon, pinagtutulungan na ng mga wedding suppliers mula Negros Oriental ang magiging take 2 ng kasal.