KORONADAL CITY – INAGURAHAN na ng Department of Trade and Industry o DTI-12 kasama ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang One Town, One Product o OTOP Hub sa General Santos City International Airport.
Iprinisenta dito ang mga alok para sa sale products mula sa 40 na OTOP-assisted Micro, Small and Medium Enterprises o MSMEs. Ang pagbukas at pag-operate ng OTOP Hub ay isang uri ng local entrepreneur na may pagpapakilala at pagmarket ng iba pang mga produktong gawang lokal.
Isang batas din umano ang nakaangkla dito kaugnay sa pagpapapatayo ng OTOP Philippines Hubs sa buong lugar sa bansa na may high tourism destinations. Ito na ang ika-6 na OTOP hub na naitayo sa Gensan City Airpot na pinangungunahan ng CAAO na umabot na lahat sa 122.
