DepEd Masbate, nakapagtala ng mahigit 400 insidente ng pang-aabuso sa Karapatan ng mga Bata sa Proteksyon

Sa pagtatapos ng selebrasyon ng 31st National Children’s Month, inulat ng Dept. of Education School Divison Office Masbate na may naitala silang 423 kaso ng insidente ng pang-aabuso sa ‘Rights of Children to Protection’ sa taong 2023.

Kabilang umano dito ang bullying, child abuse, incidents of learner rights, atbp.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Nakapagtala rin ang Kagawaran ng 473 kaso ng armed conflict sa elementarya at 172 kaso para sa Junior High School.

Tiniyak naman ng Prov’l Children’s Code ang mga karapatan ng mga bata sa proteksyon, kung saan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Masbate ay nagpapatupad ng mga programa na naglalayong pigilan ang pang-aabuso sa bata, pagsasamantala at diskriminasyon.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Kasama sa mga interbensyon ang Psychological First Aid para sa mga apektadong school personnel at mag-aaral na naapektuhan ng armed conflict at pagtuon sa pagpapalakas ng pagtatatag ng mga Child Protection Committee sa mga paaralan.