Davao City Police Office tatlong hepe sa 1 araw

Sa loob lamang sa 12 oras tatlong hepe ang Davao City Police Office (DCPO) naitalaga at agad pinalitan kasunod ng pagkakasibak ng 19 station commanders dalawang araw ang nakalipas.

Unang pinalitan si Col. Rolindo Soguilon na tumagal lamang ng 16 araw at ang pinalit si Col. Lito Patay na umabot lamang ng 4 oras at agad pinalitan ni Col. Sherwin Butil.

Si Col. Butil tumagal lamang ng mahigit isang oras at pinalitan naman ni Col. Hansel Marantan na siya ngayon ang Officer-In-Charge ng DCPO.

Hanggang sa ngayon wala pang ipinalabas na paliwanag ang Police Regional Office – XI sa nasabing pangyayari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *