BICOL—Pabor si Albay 1st District Representative Edcel Lagman sa panukalang one vote o tandem voting para sa president and vice president sakaling mailarga sa darating na panahon ang pag-amyenda sa konstitusyon.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi ay inihayag ng kongresista na dapat nga ay hindi lamang ito sa pangulo at pangalawang pangulo kundi maging sa mga gobernador at bise gobernador at mayor – vice mayor.
Anya, kailangang nagkakasundo at may magandang ugnayan ang mga ehekutibo ng bansa hanggang sa local level of governance.
Mababatid na ito ang nais buhayin ni Atty. Larry Gadon sakali umanong manalo siya bilang senador sa 2022 national elections.
Ayon naman kay Lagman, bago pa man ang pahayag ni Gadon ay isa na siya sa mga nagsusulong ng ganitong sistema kung naasikaso lang ang pag amyenda sa konstitusyon.
Nagkamali kasi umano ng tyempo ang pamahalaan kaya hindi na ito natalakay pa dahil napagdudahan nang maaaring gamitin para sa term extension.### || slm, with reports from BNFM Legazpi