Ilang naka-assign sa pagbabakuna sa Naga City , nagpositibo na rin sa COVID-19

NAGA CITY- Tinamaan na rin ng COVID-19 ang ilang naka-assign sa pagbabakuna sa Naga City, ito ay ayon sa City Health Office.

Ibinahagi sa Regular Session ng Sanguniang panlungsod ni City Health Officer Dr. Butch Borja na isa ito sa problemang kinahaharap nila ngayon kaya sinisikap na hindi na lumala ang sitwasyon.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Mababatid na may inaasahang 40K doses na COVID-vaccines ang Naga ngayong linggo, magiging venue rin ang iba pang vaccination sites.

Samantala napuna ng Sanguniang Panlungsod ang sistema ng pagbabakuna sa Mega Vaccination Facility na Jesse M. Robredo o JMR Coliseum lalo na ang linya ng mga babakunahan. Minsan umano ay magulo dahil nahahalo ang tatanggap ng 1st dose at 2nd dose hanggang sa tumatagal na ang pila.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Nangako si Incident Management Team Commander Renne Gumba na i-improve pa ang sistema sa pasilidad.