Ibinunyag ng isang Danish study na nailathala noong nakaraang linggo na mas kaya ng Omicron coronavirus na umiwas sa immunity ng bakunadong indibidwal kumpara sa Delta variant.
Sa nasabing pag-aaral na nilahukan ng halos 12,000 Danish households, ay napag-alaman na nasa 2.7 hanggang 3.7 times na mas kumakapit ang Omicron sa vaccinated Danes kaysa sa Delta.
Sinabi ng researchers mula sa University of Copenhagen, // Statistics Denmark, // at Statens Serum Institute (SSI), na posibleng mas mabilis kumalat ang Omicron dahil sa kakayahan nito na umiwas sa immunity na nabibigay ng mga bakuna.
Nalaman rin sa pag-aaral na kumpara sa mga hindi pa nababakunahan ay mas mababa ang tyansa na mailipat ng isang bakunadong indibidwal ang kahit anong variant ng virus sa iba.
Sa kasalukuyan ay 78% na ng Danes ang fully vaccinated habang nasa 48% na ang nakatanggap ng booster shot.
