Pininisibak sa pwesto ang dalawang opisyal mula sa Department of Agriculture (DA) at Food Terminal Incorporated (FTI) matapos umanong mapatunayang guiltyang mga ito kasunod ng isinagawang imbestigasyon sa isyu ng suplay ng sibuyas na nagresulta sa pagsipa sa presyo ng naturang produkto noong nakalipas na taon.
READ MORE: DA Asec. Kristine Evangelista, ‘di ako magnanakaw!’
Sa naging desisyon ng Ombudsman, pinasisibak si DA Assistant Sec. Kristine Evangelista dahil sa grave misconduct at si FTI Vice President for Operations John Gabriel Benedict Trinidad III dahil naman sa negligence of duty.
Mayroon ding probable cause ang Ombudsman para kasuhan si Evangelista, Trinidad at iba pang mga indibidwal para sa paglabag sa Anti-graft and Corrupt Practices Act (RA 3019), at falsification by private individuals and use of falsified documents (Art. 172 of the Revised Penal Code).
Una rito, na sangkot umano ang nasabing opsyal sa kakapusan ng suplay ng sibuyas at manipulasyon ng presyo gayundin sa kwstyonableng pagbili ng produkto.
