DTI inalam ang presyo ng mga bulaklak sa iba’t-ibang flower shops sa Camarines Norte ilang araw bago ang Undas

CAMARINES NORTE – Ilang araw bago ang pagunita sa Undas nagsagawa ng monitoring ang Department of Trade and Industry (DTI) sa ilang flower shops sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ayon kay Marian Ibasco, Information Officer ng DTI Camarines Norte sa ngayon ay naglalaro sa P50 hanggang P280 ang kada piraso ng bulaklak depende sa klase kung saan ang pinakamahal ay ang sunflower.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Kung bibibili naman ng naka- arrange na ay naglalaro naman ito sa P300 hanggang P1, 700.

Nilinaw naman ni Ibasco na hindi  talaga kasama sa regular monitoring ng DTI ang presyuhan ng mga mga bulaklak.

Hindi rin umano mai- standardize ang presyo ng mga bulaklak dahil tinatawag itong artistic product.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Payo ng ahensiya sa mga mamimili na tingnan ang product catalogue na ipinapakita ng mga flower shop dahil ito na rin ang nagsisilbing price tag o price list.

May abiso rin ang ahensiya sa mga mamimili.