Olongapeña tinanghal bilang Ms. Aura International 2021

Nasungkit ng Pilipinas ang korona sa katatapos lamang na Ms. Aura International 2021 na ginanap sa Antalya, Turkey.

Kinorohan bilang Ms. Aura International 2021 si Ms. Alexandra Faith Garcia na nagmula sa Olongapo City.

Ayon kay City Tourism Officer Fifi Legaspi, nasa apatnapung bansa ang naglaban-laban para sa korona.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Si Garcia ay lumaban na rin sa iba pang mga malalaking pageant katulad na lamang ng MS. Universe Philippines kung saan siya ang naging representante ng Olongapo.

Ngayon umano ang kauna-unahang beses na sumali ang Pilipinas sa Ms. Aura International at agad na nasungkit ang korona.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Samantala, agad namang nagpaabot ng pagbati kay Garcia ang Olongapo City Tourism Office.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Grab from video of The Philippine Pageantry

May be an image of 1 person and text that says 'NUTRI CLEANSE HERBAL CAPSULE "Linis Tiyan, Sexy Tiyan" EXERCISE NOW! Have a goal of 70-150 minutes per week! S. H NUTRIC NUIRICLEANSE BETACAPS SRECO Û www.nutricleanse.ph'