Cong. Garbin nakapag-file na ng kandidatura bilang Mayor sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Pormal ng nagsumite ng Certificate of Candidacy (COC) sa Commission on Election (COMELEC) Legazpi si Cong Alfredo “Pido” Garbin ng AKO Bicol Partylist na tatakbo ngayon bilang Alkalde ng nasabing lungsod kahapon Oktobre 3 at araw mismo ng kanyang kaarawan.

Kasama rin niton ang kanyang butihing asawa na sumusuporta tuwing election.

Maliban pa rito kasabay sa paghain ng kandidatura na dating City Councilor Allan Rañola ang running mate ni Garbin sa pagkabise Alkalde.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Kasama rin sa naghain na tatakbong City Councilor na sina Jordan Alpajaro, Alex Sy, Ralph Andes, Greg Lipa, Sunshine Imperial, Atty Butch Lucilla, James Calisin, Nicasio Barrios, Luis Gutierrez at si Joseph Armogilla.

Ayon pa dito Si Garbin ay mayroon pang isang termino bilang kongresista ng AKB pero mas pinili na tumakbo sa lokal na posisyon.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Inaasahan rin ngayon araw o susunod na mga araw ay magsusumite na rin ng kandidatura ang asawa ni Incumbent Legazpi City Mayor Noel Rosal na si  Geraldine Rosal ang posibleng makakalaban ni Garbin sa pagka-alkalde na dati na rin nagsilbing bilang alkalde ng lungsod.