Oil spill mula sa MT Terra Nova, umabot na sa Cavite – PAMALAKAYA

Kinumpirma ng grupo ng mga mangingisda na PAMALAKAYA na ‘di umano’y umabot na rin sa mga baybayin sa Tanza sa Cavite ang oil spill na mula sa MT Terra Nova.

Sa isang video, ipinakita ng grupo ang ang mala-langis na substance na naka-abot sa coastal town ng naturang bayan.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Anila, napansin daw ng mga residente roon at mga mangingisda sa area ang isang ‘distinct’ na amoy na madalas ay lumalabas sa t’wing mayroong oil spill.

Pinangangambahan daw na aabot sa 5,000 mga mangingisda ang maaapektuhan sa Tanza, sakaling ‘di agad ma-contain ang kumakalat na langis.

Maaari raw itong maka-contaminate sa mga isda sa dagat, na maka-aapekto rin sa kanilang pangkabuhayan.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Sabi ni PAMALAKAYA vice chairperson Ronnel Rambulo – dapat ay mabilis itong matugunan lalo na’t ‘di pa tuluyang nakababangon ang mga mangingisda mula sa epekto ng pananalasa ng Bagyong Carina at ng Habagat.

Magsasagawa rin daw sila ng on-site inspection para matukoy ang lawak ng oil spill.