MMDA, binigyang-diin ang pangangailangan ng drainage masterplan kasunod ng tone-toneladang basura matapos ang mga pagbaha

Iginiit ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Usec. Procopio Lipana na kailangan na talaga ang pagkakaroon ng drainage masterplan sa Metro Manila.

Ito ay kasunod ng nangyaring matinding baha sa National Capital Region na nag-iwan din ng tone-toneladang basura.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ayon kay Lipana, nagpapatuloy sila sa paghahakot ng basura, at tinitulungan na nila kahit may mga private holder.

Kasabay nito binigyang-diin niyang hindi pangkaraniwan ang volume ng basura kaya nagiging mabagal ang paglilinis nila.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Sa loob nga lang aniya ng dalawang araw, noong July 24 at 25 – 187.5 na tonelada ng basura na ang nahakot nila.

Dahil dito sinabi ni Lipana na pag-aaralan dapat ang Metro Manila drainage masterplan na kasalukuyang nasa study stade pa lamang.