Ex-Pres. spox Harry Roque – inaming may ‘interest’ sa Benguet home kung saan na-raid ang 2 foreign nationals na related sa POGO

Nanindigan si dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque na wala siyang kinalaman sa mga POGO.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado hinggil sa issue ng POGO, idiniin ni Roque na pawang paninirala lang daw ang ginagawa sa kaniya.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Sabi naman ni Roque na hindi niya itinatangging mayroon siyang ‘interest’ sa isang korporasyon na nagma-may-ari sa isang bahay sa Benguet na ni-raid kamakailan.

Tumira rin siya rito noon.

Dagdag pa niya, ‘on lease’ na ito, at hindi related sa POGO.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Sa kabila niyan, ‘nominal’ lang ang kaniyang shares doon dahil nag-subscribe lang daw siya rito nang ito ay i-incorporate.

Kung maaalala – dalawang foreign nationals ang na-aresto sa naturang bahay na ‘di umano’y may kaugnayan sa POGO.