Oil price rollback, posible sa susunod na linggo – Cusi

Umaasa ang Department of Energy na magkakaroon ng oil price rollback next week dahil sa mga nagaganap na developments sa China, Ukraine, at Russia.

Ipinaliwanag ni Energy Secretary Alfonso Cusi na posibleng bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng presyuhan sa global market.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Ipinunto niya na meron dalawang bagay ang nakapagpababa sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ito aniya ay ang lockdown sa China dahil sa COVID at ang projection ng mas mababang demand para sa langis ng China.

Dagdag ni Cusi, tuloy-tuloy rin ang pag-uusap sa pagitan ng Russia at Ukraine nitong mga nakalipas na araw, na dahilan para humupa ang demand para sa langis.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Nitong Martes ay nag-implementa ang mga kompanya ng langis ng panibagong malakihang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo para sa ika-11 sunod na linggo.