Bilyon-bilyong piso, maaring mawala sa gobyerno kung sususpendihin ang e-sabong operations – PRRD

Nagdadalawang-isip si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-suspinde ng operasyon ng online sabong dahil sa bilyon-bilyong kita na natatanggap na nakukuha rito ng gobyerno.

Umaasa ang Pangulo na mauunawaan siya ng Kongreso kung makikita ng mga mambabatas ang figures.

Naniniwala rin ang Punong Ehekutibo na magpapatuloy pa rin ang operasyon ng e-sabong sa ilegal na paraan kahit pa iutos niya ang pagpapasara nito.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Base sa projections ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chairperson Andrea Domingo ay posibleng umabot sa P8 billion ang koleksyon ng gobyerno mula sa e-sabong operations ngayong taon.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Matatandaan na hiniling ng Senado ang suspensyon ng e-sabong operastions habang wala pang resolusyon sa kaso ng mahigit 30 sabungeros na nawawala.

Inutos na ng Palasyo sa mga otoridad na imbestigahan ang mga nasabing kaso.