Naniniwala ang International Monetary Fund (IMF) na maapektuhan ng Russian invasion sa Ukraine ang buong global economy sa pamamagitan ng pagpapabagal sa paglago nito at sa pagpapataas ng inflation.
Ipinunto rin ng IMF na posibleng mabago ng gyera ang global economic order sa loob ng mahabang panahon.
Iginiit ng IMF sa website nito na bukod sa human suffering at historic refugee flows, ay pinapaangat ng gyera ang presyo ng pagkain at enerhiya, na dahilan para lalong magkaroon ng inflation at mabawasan ang halaga ng incomes.
Ipinunto rin ng IMF na nahahadlangan ang kalakaran, supply chains at remittances sa mga bansa na karatig ng Ukraine.
Inihayag rin ng institusyon na patuloy na humiina ang business confidence dahil sa umiiral na uncertainty sa investors.
Nagbabala ang IMF na magreresulta ito sa pagbagsak ng asset prices, paghigpit ng financial conditions, at maging trigger ng capital outflows mula sa emerging markets.
