Oil deregulation law at 12% excise tax sa langis ibasura – PISTON

Nanawagan sa pamahalaan ang grupo ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide o PISTON na pag-aralan ang pag-abolish sa oil deregulation law at pagbasura sa 12% excise tax sa presyo ng langis.

Ayon kay PISTON President Mody Floranda mas mainam umano ito kaysa magtaas ng singil ng pamasahe kung saan maraming mga kababayan natin ang tiyak na maaapektuhan.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Paliwanag ni Floranda simula noong Enero ngayong taon ay halos P16 na ang itinaas ng produktong petrolyo.

Naniniwala umano ang kanilang grupo na hindi napapanahon kung magtataas ng pamasahe dahil halos dalawang taon din na naka-lockdown ang karamihan sa mga Pilipino bunsod ng COVID-19 pandemic.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Sa halip na taas-pamasahe sinabi ni Floranda baka pwedeng tanggalin na lang 12% na buwis sa langis at tuluyang ipabasura ang oil deregulation law.