Mitigation and prevention measures ngayong panahon ng kalamidad iprinesenta ng PDRRMO sa Camarines Norte Mayors

CAMARINES NORTE- Iprinesenta ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa mga alkalde sa Camarines Norte ang mitigation and prevention measures bilang paghahanda sa mga kalamidad partikular na ang mga bagyo at pagbaha.

Ayon kay PDRRMO Head Tony España sa mga nagdaang taon at maging hanggang sa kasalukuyan ay ang malawakang pagbaha pa rin ang problema dito sa lalawigan.

Aniya, minsan kahit walang bagyo ay may malalakas na pag ulang nararanasan lalo na kapag ganitong panahon na kailangang paghandaan ng mga LGU.

Paliwanag ni España na sesentro pa rin sa apat na thematic focus ang pagpaplano alinsunod sa Philippine Disaster Risk Reduction and Management law.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sa ilalim aniya ng batas ay binalangkas kung paano matutugunan ang mga sakuna hindi lamang ang natural disaster kundi maging ang mga manmade disaster.

Ang apat na thematic focus ay mitigation and prevention, disaster preparedness, disaster response at disaster recovery and rehabilitation.

May guidance din umanong  ipinalabas ang mga line agency  upang gabayan ang mga LGU sa pagtugon sa kalamidad.

Ayon naman kay Planning and Research Officer Joey Totanes ng PDRRMO,  nasa typhoon bed talaga ang probinsiya kaya madalas umanong dalawin ng mga bagyo.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Nauna na ring nag abiso ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng magsimula ngayong buwan ang La Niña na maaaring tumagal hanggang sa unang quarter ng 2022.

Dahil sa banta ng La Niña, maaaring maapektuhan ang malaking bahagi ng bansa ng above-normal rainfall conditions.

Kahapon ay nakaranas ng mahina hanggang sa kung minsan ay malalakas na pag ulan ang lalawigan.

Ginising din ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag ulan ang ng lalawigan kaninang umaga.