OCTA, naitala ang ‘flat’ COVID-19 reproduction rate sa ilang LGUs

Napansin ng OCTA research ang “flat” reproduction rate sa ilang local government units (LGUs), sa gitna ng pagbaba ng daily average ng COVID-19 infections noong nakaraang linggo.

Ayon sa OCTA Research Team, ang trends sa Pilipinas, gaya sa National Capital Region, at marami pang ‘hot’ LGUs ay nag-flat.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Sa gitna nito, bumaba naman ang daily average rate ng COVID-19 reproduction, sa 5 percent mula July 4 hanggang 10.

Batay sa OCTA, ang pagkakaroon ng “flat” reproduction rate ay nangangahulugan na ang LGU ay mayroong reproduction rate na 0.9 hanggang 1.1; na ibig sabihin rin, walang significant upward o downward movement sa infection rate.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Sa ngayon, ang COVID-19 reproduction number sa Metro Manila ay nasa 0.91, na mataas mula sa nakaraang 0.85.

Samantala, patuloy naman ang pangunguna ng Davao City sa listahan ng mga LGUs na may maraming bilang ng daily COVID-19 cases, pero sa ngayon may “flat” rate na 1.00. // MHEL PACIA-TRINIDAD