5,916 pang COVID-19 cases naitala; Kabuoang tally 1,473,025 na

Nagtala ang Pilipinas ng 5,916 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para lomobo pa ang kabuoang infections sa 1,473,025.

Ayon sa Department of Health, ang mga bagong kaso ay nagdulot para tumaas ang active cases sa 49,701, kung saan 89.3% dito ang mild, 5% ang asymptomatic, 2.4% ang severe, at 1.5% ang nasa kritikal na kondisyon.

Kaugnay nito, tumaas naman ang total recoveries sa 1,397,403, matapos gumaling ang 6,127 pang pasyente mula sa respiratory illness, habang ang death toll ay umakyat sa 25,921 matapos maitala ang 105 na mga bagong fatalities.

Sinabi naman ng DOH na tatlong laboratoryo lang ang hindi nakasumite ng kanilang datos sa COVID-19 Document Repository System.// MHEL PACIA-TRINIDAD