Bumuo na ang Department of Trade and Industry – Bureau of Philippine Standards (DTI-BPS) ng technical committee na naglalayung ma-standardize ang Filipino dishes gaya ng adobo.
Batay sa website ng DTI, ang BPS/TC 92 o technical committee on Filipino Dishes ay bubuo ng Philippine National Standards (PNS) sa mga popular na Filipino dishes.
Kaugnay nito, sinimulan na rin ng BPS/TC 92, ang pagbuo ng PNS para sa adobo noong Mayo gamit ang “Kulinarya: A Guidebook to Philippine Cuisine” bilang kanilang main reference.
Ayon kay BPS/TC 92 Vice-Chairperson Chef Myrna Segismundo, ang iba’t-ibang paraan ng pagluluto ng publiko sa adobo ay naging dahilan para hindi na makilala ang original recipe nito.
Giit naman ni BPS director Neil Catajay na ang plano ay makakatulong sa lahat na matukoy ang authenticity ng adobo.
Sinabi ni Catajay na plano rin nilang isama ang sinigang, lechon at sisig sa kanilang work program. // MHEL PACIA-TRINIDAD
