NYC, pinuna dahil sa umanoy P2.7 million disbursement para sa SK at Marawi funds

Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang National Youth Commission (NYC) sa umanoy disbursement ng P2.7 million para sa Sangguniang Kabataan (SK) at Task Force Bangon Marawi (TFBM) funds.

Ayon sa COA, base sa 2021 Annual Audit Report ng NYC, naglabas ang naturang komisyon ng P2.06 million mula sa Marawi fund para sa pambayad ng mental health at psychosocial services kahit hindi naman nila umano sakop ito.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Binayaran din ng nasa P651,000 ang tatlong empleyado na hindi naman umano nagtrabaho sa kanila mula sa pondo ng SK’s Mandatory and Continuing Training Program.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Samantala, ang mga naturang empleyado ay gumagawa ng kanilang trabaho kaugnay sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at bilang Presidential Staff Officers.

(ARGIE ERGINA)