Isinama ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultant na si Luis Jalandoni sa listahan ng mga terorista sa bansa.
Bukod dito, pinangalanan din ng ATC ang ilang miyembro umano ng Abu Sayyaf Group and Daula Islamiyah.

Maliban kay Jalandoni ay kasama din sa naturang listahan si Cordillera People’s Democratic Front spokesperson Simon Naugsan.
Samantala, sinasabing nagsilbing consultant si Jalandoni sa peace talks ng pamahalaan na ngayo’y naninirahan nasa Netherlands. (ARGIE ERGINA)